Kung bibigyan ako ng pagkakataong magkaron ng amnesia, tatanggapin ko. Kukunin ko. Gusto ko makalimutan lahat ng nangyari sa buhay ko sa nakalipas na labing limang taon.. lahat ng saya, takot, lungkot, mga pangarap. Gusto kong makalimutan ang matamis na mapait na alaala ng nakaraan, pati na ang sarili ko. Gusto ko kalimutan lahat ng taong nakilala ko. At kung pwede lang, gusto kong mabuhay akong mag-isa sa bago kong buhay. Sa ganong paraan wala akong aalalahanin, walang problema, walang masisirang dapat ayusin. Sana mawala na lang ako. Sana mawala na lang yung buong ako. Ayoko na ng kung sino, paano, ano, at nasaan ako ngayon. Kaya lang isa lang ang biodata ng buhay. Isang beses ka lang pwedeng magfill up ng mga alaala. Dahil ang nangyari na ay nangyari na. Hindi mo na mababago. Ang buhay ay hindi parang damit na kung kailan mo gusto magpalit ay magpapalit ka. Sayang. Sana hindi na ang ako naging ako. Sana naging ibang tao na lang ako. Sana… ewan ko. Basta ayoko na ng ganito.
Sarah G by meh :D
It’s imperfect, I know. :)) Di kasing galing ni ano. Pero oks na yan. Natripan lang naman eh :)) Minsan talaga may mga bagay na hindi ko kayang panindigan, katulad nung buhok nya. Hahaha. :P Libre lait, libre appreciation. :D
//adobe photoshop cs6
Hanapin nyo yung butas ng ilong.
Hi Sarah G. Why are you so beautiful?!?!?!?! Uhh, Idk. You must be a demigod.. uhh, daughter of Aphrodite the goddess of beauty, I guess.. :”>


Hook na hook naman tayo sa The Avengers. Di na nakakapagtaka kung bakit ang daming nag-aakalang kailangan ng mga superheroes sa panahon natin ngayon. Naalala ko lang yung nabasa ko dati sa isang book. ‘Si Amapola sa 65 na Kabanata’ ni Ricky Lee. Baklang aswang si Amapola at di siya tanggap ng society. Kaya ang ginawa niya, naging superhero siya sa katauhan ni Grandiosa. Pagkatapos ng paglabas niyang ‘yon, sumunod na din sa pagtulong sa mga tao yung ibang mga aswang.. Sabi ni Amapola, akala niya sa pagiging aswang superheroniya e makakatulong siya. Pero narealize niya na mas napalala lang niya ang ‘sakit ng bayan’ simula nung nag-umpisang abusuhin ng mga tao ang kakayahan niya. May mga pagkakataong sa mga simple at napakaliit na bagay na kung tutuusin ay di naman maituturing na malaking suliranin, may mga taong tumatawag sa kanya at inaasa sa kanya ang lahat ng bagay. Katulad din ito ng nangyari kay Spongebob nung natuto siyang lumipad gamit ang pinalobong square pants nya. Sabi nga ni Ricky Lee, hindi kailangan ng manliligtas dahil wala namang dapat iligtas. Ang kailangan lang ay iligtas ng tao ang sarili niya. Kailangang iligtas saan? Sa paghingi ng tulong sa iga. Sa pag-asa sa iba. Dahol ang katotohanan ay tayo mismo ang superhero ng sarili natin. Walang ibang makapagliligtas o makatutulong sa atin kung hindi tayo at ang sarili lang natin, walang iba. Hindi natin kailangan sina Captain America, Thor, Hul, Iron Man, at maging sina Amapola, Spongebob, Superman, Spiderman, Batman, Wonder woman, Darna, Volta, Captain Barbel, Kapitan Sino, Lastikman, Marina, Mutya, Aryana at Eboy. Hindi kailangan ng bayan ng mga nilalang na may kakaibang kakayahang tulad ng kanila, dahil ang pinakkamalakas na pwersang makapagliligtas SA ‘YO ay IKAW.. ang pinakamakapangyarihang makapagliligtas SA AKIN ay AKO.
Random fact about me (uso pa ba magganito sa tumblr??): Mas nadadalian ako maglagay ng colors(?) kapag shades ng black and white lang gamit ko. Hihi. Kunyari may nagtanong.